Friday, November 6, 2009

UPOS

An attempt to write a poem in Filipino after not being able to write one for ages!
Sorry kung masyadong amateur pero di talaga ako magaling magsulat sa Pilipino, hehehe.

Upos

Marahan. Bumubuga ang usok mula sa mga labing minsa's lumiyab.
Sa gitna ng mga daliri'y nakaipit and sigarilyong tigib sa baga
Parehong baga na minsa'y nanuot sa sulok ng mga kalamnan
Parehong baga na minsa'y bumalot sa kabuoan ng kaluluwa.

Sa bawat hithit ay isang hibla and ninanakaw mula sa hininga,
Parehong usok na minsa'y nagpaluwag sa paghinga ng mga baga.
Sa bawat buga ay nakikipaghabulan sa bilis ng takbo ng oras,
Parehong orasan na minsa'y bumagal na wari'y wala nang wakas.

Unti-unting inuubos ng apoy ang sigarilyong sa kamay ay tangan,
Parehong apoy na minsa'y nagliyab na parang walang hanggan.
Sa abo nauwi ang lahat ng kailan lamang ay mabilis na sinindihan
Sa pagpitik sa upos ay kasabay na natapos sa kabila ng bagang naiiwan.